www.max7.org

Monday, November 14, 2011

anong alas mo?

sa paglipas ng maraming araw, linggo, buwan at taon
sa pag dami ng mga kaibigan mo sa facebook
sa pag taas ng mga bilihin sa palengke
sa pag sagot mo ng matamis na "oo" sa masugid mong manliligaw
sa pag daan ng malalakas at kahindik-hindik na mga bagyo
sa pag martsa mo sa pinakahihintay mong engrandeng kasalan
sa pagpapaanak mo ng mga menor de edad na kababaihan
sa padagdag ng padagdag na bilang ng mga taong lugmok sa kahirapan
sa pagkadismaya mo sa dami ng masasamang balita sa talapihitan
sa pagmamalupit ng mga bossing mo sa trabaho
sa paghihimagsik ng mga empleyado sa kumpanya
sa pagbigo sa iyo ng matalik mong kaibigan
sa pagtalikod sa iyo ng mga mahal mo sa buhay
sa pagsapit ng unang paskong hindi kumpleto ang pamilya
sa pagtatampo ng mga tao sa paligid sa dahilang hindi mo matanto
sa pagkawala mo ng pera
sa pagdagdag ng utang dahil sa kawalan ng pera
sa pagdating ng mga balitang hindi nakakatuwa
sa pag-click mo ng post sa facebook na virus pala
sa lahat ng ito...

anong plano mo?

kung akong tatanungin...magisip ka muna ng mabuti...

isipin mo muna kung merong isang bagay sa buhay mo ang hindi apektado ng mga nabanggit...

yun ang ALAS mo sa buhay...

kung wala ka namang maisip...puwes, meron akong matinding suhistyon!

Korny man para sa karamihan, ngunit batid ko na iyo munang pakinggan...

SI KRISTO ANG TANGING SANDIGAN NA HINDI APEKTADO NG TAO, KRISIS O PANAHON!

Siya ang ALAS ko sa buhay...minsan ko nang isinuko ang buhay ko sa kanya, at patuloy kong iaalay ang lahat sa kanya!

oo...di ako perpekto...alam ko yun...pero ang ALAS ko...OO!

ikaw? anong plano mo?

No comments: